Mga Teorya sa Pagsulat
Ang pagsulat ay isang aktibong gawain na hindi basta na lamang nangyayari. Nagsasangkot ito ng labis na partisipasyon at kaalaman sa proseso.
Ang mga imersyong ito ay kadalasang:
a. Solitari at Kolaboratib
b. Pisikal at Mental
c. Konsyus at Sabkonsyus
Lebel ng Gawaing Pagsulat
Paano nga ba nagkakaroon ng kaugnayan ang mga lebel ng gawaing pagsulat?
Pagsulat bilang isang Pisikal at Mental na Gawain
Ang pagsulat ay kapwa sang pisikal at mental na aktibiti na ginagawa para sa iba’t ibang layunin.
Ito ay pisikal na aktibiti sapagkat ginagamit dito ang pisikal na kakayahan ng manunulat.
Mental na aktibiti rin ang pagsulat sapagkat ito ay isang ehersisyo ng pagsasatitik ng mga ideya ayon sa isang tiyak na metodo ng debelopment at patern ng organisasyon at sa isang istilo ng grammar na naaayon sa mga tuntunin ng wikang ginagamit.
Pagsulat bilang isang Konsyus at Sabkonsyus na Gawain
Bilang Konsyus na Gawain:
Ito ay ang malayang pagsulat kung saan ang isang manunulat ay patuloy-tuloy na sumusulat nang walang pagtatangi sa spelling, grammar, o paksa ng kanyang isinusulat at hindi gumagawa ng pagwawasto. Ito ay isang paraan upang makaipon ng mga pangunahing ideya para sa isang paksa. Ito ay tungkol sa paghahanda sa proseso ng pag-iisip.
Bilang isang Sabkonsyus na Gawain:
Sa pagsusulat, ang mga salita ay maaaring nanggaling mula sa konsyus na kaisipan. Gayunpaman, sa pagsusulat, ang mga salita ay maaaring patuloy na lumalabas mula sa iyong kaisipan ngunit sa isang pagkakataon ay daglian itong mahihinto. At ito ay ang tinatawag na writer’s block. May ay isang paraan para sa mga manunulat upang magpatuloy sa kanilang mga salita na walang kahit pagkakaroon upang ihinto.
Isang screenwriting instructor ang nagsabing “ang pagkamalikhain ay nagmumula sa sabkonsyus na kaisipan”. Ano ang ibig niyang sabihin sa pamamagitan nito? Kung ikaw ay magninilay-nilay, maaari kang mabigla sa kung ano ang iyong masisilip sa iyong isip. Maaaring maisalarawan mo ang mga ito ng higit na malinaw.
Ang hindi alam ng karamihan ay halos lahat ng proseso sa pagiisip ay ginagawa ng ating sabkonsyus na kaisipan. Ang iyong konsyus na kaisipan ay ang tumatanggap ng mga stimulus, sa pamamagitan ng paningin, panlasa, pandinig, pang-amoy, at pandama. Pagkatapos ay sisimulan ang proseso sa pamamagitan ng pagpapadala ng mensahe sa sabkonsyus na kaisipan.
Kapag ang isang manunulat ay nagsimulang sumulat, maaaring iniisip niya na ang lahat ng mga salitang kaniyang isinusulat ay nagmumula sa konsyus na kaisipan. Ngunit ang totoo, nagmumula ang mga ito sa sabkonsyus na kaisipan.
Donald Murray
ang pagsulat ay isang eksplorasyon - pagtuklas sa kahulugan, pagtuklas sa porma - at ang manunulat ay nagtatrabaho ng pabalik-balik, nagtutuon sa isa sa mga batayang kasanayan sa bawat panahon nang kanyang matuklasan kung ano ang kanyang isusulat at kung paano niya iyon maipapahayag ng episyente.
Pagsulat bilang isang Solitari at Kolaboratib na Gawain
Bilang solitaring Gawain:
Ang pagsulat ay maaaring maging gawaing pang-isahan. At maraming bagay ang maaring makagulo sa pagsulat, kaya naman siya ay dapat maging mapag-isa, walang sagabal, at walang aspeto na makagugulo sa kanyang pag-iisip upang matapos niya ang isinusulat.
Bilang kolaboratib na Gawain:
Ang kolaboratib na pagsulat ay tumutukoy sa mga proyekto kung saan sa halip na paisa-isa ay sama-samang gumagawa ng likha ang mga manunulat. Isang halimbawa nito ay ang editorial team.
Wednesday, August 6, 2014
Tuesday, August 5, 2014
Bagong Silang
May bagong silang/may bago nang buhay
Bagong Bansa, bagong galaw/ sa bagong lipunan
Nagbabago ang lahat/
tungo sa pag-unlad at ating itanghal/
Bagong Lipunan
Koro:
May bagong silang/
may bago nang buhay
Bagong Bansa, bagong galaw/
sa bagong lipunan
Nagbabago ang lahat/
tungo sa pag-unlad at ating itanghal/
Bagong Lipunan
Ang gabi'y nagmaliw nang ganap
At lumipas na ang magdamag
Madaling araw/ ay nagdiriwang
May umagang namasdan
Ngumiti na ang pag-asa
Sa umagang anong ganda! (ulitin ang koro)
Ako ay Pilipino
Ako ay Pilipino
Ang dugo'y maharlika
Likás sa aking puso
Adhikaing kay gandá
Sa Pilipinas na aking bayan
Lantáy na Perlas ng Silanganan
Wara'y natipon ang kayamanan ng
Maykapál
Bigay sa aking talinò
Sa mabuti lang laán
Sa aki'y katutubò
Ang maging mapagmahál
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Isang bansâ, 'sang diwà
ang minimithî ko
Sa bayan ko't bandilà
Laan buhay ko't diwà
Ako ay Pilipino, ako ay Pilipino
Taas noó kahit kanino
Ang Pilipino ay ako.
Bayan Ko
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
CHORUS:
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
Lupain ng ginto't bulaklak
Pag-ibig na sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda't dilag
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa
CHORUS:
Ibon mang may layang lumipad
Kulungin mo at umiiyak
Bayan pa kayang sakdal-dilag
Ang 'di magnasang makaalpas
Pilipinas kong minumutya
Pugad ng luha at dalita
Aking adhika
Makita kang sakdal laya
[Repeat CHORUS]
Dakilang Lahi
Dakilang lahi, na sa 'yong tangi
Pag-ibig ko, Inang Bayan...
Isinumpa ko, o Pilipino
Gagaling ang sugat ng 'yong nakaraan...
[REFRAIN]
Nang pahiran ko luha ng 'yong puso,
Ay natayong muli ang karangalan mo...
[CHORUS]
O, ang pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man,
Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw...
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan...
Kayumanggi ang kulay ko,
Dugo't pawis inalay mo
Di ka na maaapi, ngayon o kailanman...
Pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...
II.
Dakilang bayan, kapayapaan...
Dito'y muli mong nakamtan,
Tulad nu'ng araw bago inagaw...
Ang kayamanan mo ang iyong kalayaan...
[REPEAT REFRAIN AND CHORUS]
Bridge:
Kahit na ga'no kaliit ang tinig ko,
Buong lakas akong magtatanggol sa'yo...
Haaa, haaa, haaa...
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan,
Kayumanggi ang kulay ko
Ang buhay ko'y alay sa'yo
Di ka na maaapi, ngayon o kailanman...
Pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...
Coda:
Pag-ibig ko sa'yo...
Inang Bayan...!!!!
Pag-ibig ko, Inang Bayan...
Isinumpa ko, o Pilipino
Gagaling ang sugat ng 'yong nakaraan...
[REFRAIN]
Nang pahiran ko luha ng 'yong puso,
Ay natayong muli ang karangalan mo...
[CHORUS]
O, ang pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...
Ikaw ang siyang dalangin ko sa Diyos kailan pa man,
Kuminang na ang 'yong bituin at sumikat na'ng araw...
Ang kalayaan mo'y sinisigaw
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan...
Kayumanggi ang kulay ko,
Dugo't pawis inalay mo
Di ka na maaapi, ngayon o kailanman...
Pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...
II.
Dakilang bayan, kapayapaan...
Dito'y muli mong nakamtan,
Tulad nu'ng araw bago inagaw...
Ang kayamanan mo ang iyong kalayaan...
[REPEAT REFRAIN AND CHORUS]
Bridge:
Kahit na ga'no kaliit ang tinig ko,
Buong lakas akong magtatanggol sa'yo...
Haaa, haaa, haaa...
Ang bukas ay tanging sa'yo nakalaan,
Kayumanggi ang kulay ko
Ang buhay ko'y alay sa'yo
Di ka na maaapi, ngayon o kailanman...
Pag-ibig ko sa'yo, Inang Bayan...
Coda:
Pag-ibig ko sa'yo...
Inang Bayan...!!!!
Isang Lahi
Kung ang tinig mo`y
Di naririnig
Ano nga bang halaga
Ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing
Ay laging pabulong
Di naririnig
Ano nga bang halaga
Ng buhay sa daigdig
Darating ba ang isa ngayon
At magbabago ang panahon
Kung ang bawat pagdaing
Ay laging pabulong
Aanhin ko pa,
Dito sa mundo
Ang mga matang nakikita`y
Di totoo
May ngiti't luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit di natin isabog ang pagmamahal
Dito sa mundo
Ang mga matang nakikita`y
Di totoo
May ngiti't luha ang likuran
At paglayang tanong ay kailan
Bakit di natin isabog ang pagmamahal
Chorus:
Sundan mo nang tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan
sa palad mo
Sundan mo nang tanaw ang buhay
Mundo ay punan mo ng saya't gawing makulay
Iisa lang ang ating lahi
Iisa lang ang ating lipi
Bakit di pagmamahal ang ialay mo
Pang-unawang tunay ang siyang nais ko
Ang pag-damay sa kapwa`y nandiyan
sa palad mo
Di ba't ang gabi
ay may wakas
Pagkatapos ng gabi ay may liwanag
Araw ay agad na sisisikat
Iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap
ay may wakas
Pagkatapos ng gabi ay may liwanag
Araw ay agad na sisisikat
Iilawan ang ating landas
Nang magkaisa bawat nating pangarap
Chorus (2x)
sa palad mo...
sa palad mo...
Pilipinas Kong Mahal
Ang bayan ko'y tanging ikaw
Pilipinas Kong Mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin kong gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong Hirang...
Pilipinas Kong Mahal
Ang puso ko at buhay man
Sa iyo'y ibibigay
Tungkulin kong gagampanan
Na lagi kang paglingkuran
Ang laya mo'y babantayan
Pilipinas kong Hirang...
Subscribe to:
Comments (Atom)